Thursday, September 27, 2018

DINUGUAN



Sa Pilipinas, maraming mga sikat na pagkain na tinatangkilik nating mga Pilipino pati na rin ng mga dayuhan. Maraming sikat na pagkain sa Pilipinas tulad ng adobo, sinigang, kare-kare, pinakbet, menudo, letchon at marami pang iba pero may isang natatangi at kakaibang pagkain na may sangkap ng dugo ng baboy. Ito ay ang dinuguan.Ang dinuguan ay isang uri ng luto sa baboy na sinabawan ng dugo ng baboy. Sa lutuing ito, maari ding gumamit ng laman ng baka o kaya naman ay lamang loob ng baboy.  Marami ring bersyon at pinagmulan ang pagkaing dinuguan. Mayroong mula sa Ilocos, Pampanga, Cebu, Iloilo, Hilagang Mindanoa at lalo na sa Bulacan. Ang dinuguan ay nagmula sa pagiging malikhain ng mga Pilipinang maybahay sapagkat noong mga unang panahon, hindi sila pumapayag na may natatapon na bahagi ng mga sangkap ng pagkain. Ngunit kahit saan man ang pinagmulan nito, ito ay katangi-tanging pagkaing hilig ng maraming Pilipino. Ang dinuguan ay masarap na pang-ulam o kaya naman ay kainin na may kasamang puto.





MGA SANGKAP:

  •  1 kilo- lamang loob ng baboy,hiniwang malaki kapag malambot na
  •  1 piraso- tenga ng baboy, hiniwag katamtaman kapag malambot na
  •  1 buo- bawang, pinipit ay ginayat
  •  1 buo- sinuyas, hiniwang manipis
  •  2 piraso- sili(LABUYO)
  •  3 buo- kamatis, hiniwang maliit
  •  1 tasa- dugo ng baboy
  •  1/2 kutsarita- suka
  •  1/2 kutsarita- asin
  •  3 piraso- dahon ng laurel
  •  1 tasa- tubig
  •  1 kusarita- oregano





 PARAAN KUNG PAANO LUTUIN:

  1.  Linisin ang mga laman-loob at tenga ng baboy at pakuluan nang ilang sandali sa kaunting   tubig. 
  2.  Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  3.  Isunod ang hiniwang laman-loob.
  4.  Timplahan ng patis.
  5.  Hayaang kumulo nang ilang sandali bago isama ang 2 tasa ng pinakuluang sabaw ng baboy. 
  6.  Takpan at pakuluan
  7.  Isama ang oregano.
  8.  Ihulog ang dugo at haluing dahan-dahan.
  9.  Kung minsan maalat ang dugo kaya't tikman kung ayos ang alat at dagdagan ng asin kung         kinakailangan.
  10.  Haluhaluin habang hindi pa kumukulo upang hindi makurta o magbuo-buo ang dugo.
  11.  Kapag maluwat nang kumukulo ang sabaw na may dugo ay saka timplahan ng suka.
  12.  Huwag naman haluin hanggang hindi kumukulo.
  13.  Ibabaw ang mga sili at patayin ang apoy.